Miyerkules, Hulyo 2, 2014

first attempt in translating

Aking mahal na anak, sa araw na Makita mong ako ay tumatanda na, ipinapakiusap ko ang iyong pagtityaga,  higit sa lahat, subukan mong unawain ang aking pinagdaraanan.

Kung sa tuwing tayo ay mag uusap, paulit ulit ako sa aking mga sinasabi, huwag mo sana akong pangunahan at sabihing “nasabi mo na iyan kanina”. Pakiusap ko lamang ang iyong pakikinig. Subukan mong alalahanin ang mga panahon noong ikaw ay maliit pa lamang at paulit ulit kitang binabasahan ng istorya sa gabi hanggang sa ikaw ay makatulog ng mahimbing.

Kung ako man ay tumangging hugasan ang aking sarili, huwag ka sanang magalit , huwag mo akong lapasatanganin  dahil ditto. Naalala mo pa ba ang mga pagkakataong hinahabol kita para lang ikaw ay maligo?

Kapag ako ay Makita mong mangmang sa bagong teknolohiya, bigyan mo ako ng panahon upang mapag aralan ito at huwag mo sana akong tignan ng ganyan…alalahanin mo mahal kong anak, buong tiyaga kitang tinuruan sa madaming bagay kagaya ng pagkain ng maayos, paano mag suot ng damit, pagsuklay ng iyong buhok at pakikipagsapalaran sa mga isyu ng buhay sa araw araw…Sa araw na Makita mong ako ay tumatanda na, ipinapakiusap ko na ikaw ay maging pasensyoso, higit sa lahat, subukan mong intindihin ang aking pinag daraanan.

Kung  sa mga pagkakataon, malimot ko na ang aking mga sasabihin, bigyan mo ako ng panahong alalahanin ito, at kung hindi ko na magawang  umalala, huwag kang kabahan, o maging irritable, o hambog. Alamin mo lamang sa iyong puso, na ang pinaka mahalaga para sa akin ay ang makasama ka.

At kung ang aking mga pagod na paa ay hindi kasing bilis kagaya ng dati, sana ay ibigay mo ang iyong kamay kagaya ng pag gabay ko sa iyo noong ikaw ay natututo pa lamang mag lakad. Sa pagdating ng mga araw na iyon, huwag kang malungkot.  Samahan mo lang ako at intindihin ng may pagmamahal, habang tinatahak ko ang daan patungo sa pagtatapos ng aking buhay.


Pahahalagahan ko at ipagpapasalamat ang panahon at galak na ating pinagsaluhan. Kasama ang malaking ngiti at pagmamahal na dati pamang mayroon ako para sayo, gusto ko lamang sabihin na mahal kita, aking anak. 

My dear girl, the day you see I'm getting old, I ask you to please be patient, but most of all, try to understand what I'm going through. If when we talk, I repeat the same thing a thousand times, don't interrupt to say: "You said the same thing a minute ago"... Just listen, please. Try to remember the times when you were little and I would read the same story night after night until you would fall asleep.
When I don't want to take a bath, don't be mad and don't embarrass me. Remember when I had to run after you making excuses and trying to get you to take a shower when you were just a girl?
When you see how ignorant I am when it comes to new technology, give me the time to learn and don't look at me that way ... remember, honey, I patiently taught you how to do many things like eating appropriately, getting dressed, combing your hair and dealing with life's issues every day... the day you see I'm getting old, I ask you to please be patient, but most of all, try to understand what I'm going through.
If I occasionally lose track of what we're talking about, give me the time to remember, and if I can't, don't be nervous, impatient or arrogant. Just know in your heart that the most important thing for me is to be with you.
And when my old, tired legs don't let me move as quickly as before, give me your hand the same way that I offered mine to you when you first walked. When those days come, don't feel sad... just be with me, and understand me while I get to the end of my life with love. I'll cherish and thank you for the gift of time and joy we shared. With a big smile and the huge love I've always had for you, I just want to say, I love you ... my darling daughter.
Original text in Spanish and photo by Guillermo Peña.
Translation to English by Sergio Cadena

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento